Bugtong Bugtong With Answer: 500+ Filipino Riddles
Bugtong. They say it’s too old-school, boring, and a form of literature facing imminent death. While hugot lines and jokes are all the rage these days, bugtong has been relegated to books rarely touched by youngsters growing up in this age of digital boom.
For starters, bugtong is a Filipino riddle (palaisipan) consisting of two rhyme phrases. It uses symbolism to describe a specific object, which the listener can guess using imagination.
Take the following riddle as an example:
Balong malalim, puno ng patalim
(Deep well, full of knives)
One should never take these words literally. By letting your imagination do the work, you’d picture a hollow cavity filled with cutting objects. The answer: mouth.
Some people may find it too puzzling, but that’s precisely what Pinoy riddle is about. It challenges your wit, tests your familiarity with the surroundings, and lets your imagination run wild.
Table of Contents
Bugtong: An Essential Part of Filipino Culture
The Pinoy riddle has been around for ages. Bugtong-bugtungan was a favorite pastime of early Filipinos. It’s also part of our folklore, grouped in the same category as the salawikain or proverbs.
In the book “The Riddles. Philippine Folk Literature Series. Vol. V,” Damiana Eugenio said:
“Riddles belong to a large class of enigmatic and puzzling questions that one person poses to another during a riddling session. They rank with myths, fables, folktales, and proverbs; most riddles are characterized by brevity, wit, and felicitous phrasing, and as such effective ways of transmitting folk wisdom to succeeding generations in capsule form.”
Sadly, the same literary form that has survived many generations is now being neglected by the young Filipinos who should preserve it in the first place.
But are we supposed to let things as they are? Is it time to embrace the new and let go of the old?
As German Gervacio’s “101 Bugtong na Hindi Alam ng Titser Mo” has proven, there’s a solution: create new riddles whose subjects are modern gadgets or terms that present-day Filipinos are familiar with.
Bugtong Bugtong With Answer: Can You Guess These Tricky Pinoy Riddles?
Let’s revive the dying art of bugtong by answering this set of Pinoy riddles that combines the classic with the modern. Encourage others to play as well.
Bugtong | Sagot |
Nang maliit ay mestiso, nang lumaki’y negro | Abo ng Sigarilyo |
Sa madre pare ito ay kasuotan, pormal na unipormeng kagalang-galang | Abito |
Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta | Acacia |
Tubig ito na takbo ng takbo, sa dagat-dagatan, sa ilug-ilugan, pati na sa batuhan | Agos |
Baston ni Kapitan, Hindi ko mahawakan | Ahas |
Dito ka galing tao, dito rin uuwi ang kabuuan mo | Alabok |
Makinang na bato ay ipinagbibili niya, nagbabaka-sakaling ikaw ay kumuha | Alahera |
Katulong mo sa lahat ng gawain, tagumpay mo ang mithiin | Alalay |
Dala nito’y kasuotan, panandalian lang kung bihisan, pagkat kung may araw lamang ito pinakikinabangan | Alambre |
Pusang pagkabilis-bilis, kumakain ng mga itik | Alamid o Musang |
Ako’y malinamnam, sipit-sipit ng sinipitan, durugin ang kabahayan ng ako ay matikman | Alige |
Bahay ni Ka Huli, haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawali | Alimango |
Hanging gala sa kapaligiran, singaw ng lupa kapag umuulan | Alimuom |
Sigawan mo siya, sisigawan ka rin niya | Alingawngaw |
Sa nakatataas ay sunud-sunuran, para siyang may parusang dapat pagbayaran | Alipin |
Isang kulisap, Kikislap-kislap | Alitaptap |
Pukpok dito, pukpok diyan, durugan at dikdikan | Almires |
Yari sa matigas na tela, hinabi ng kamay at makina, pwedeng tapakan huwag lang pagpahiran | Alpombre |
Heto na, heto na malayo pa’y humahalakhak na | Alon |
Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman loob | Alkansiya |
Parang kiki-kiti ang galaw, maraming paa’y naghahabulan | Alupihan |
Bahay ng salita, imbakan ng diwa | Aklat |
Tumutubo ito, namumuti-muti at nangingitim-ngitim | Amag |
Mumunting biyaya sa kalangitan, nakababasa rin sa bumbunan | Ambon |
Nang sumipot sa liwanag, kulubot na ang balat | Ampalaya |
Sa bukid nagsasaksakan, sa bahay nagbunutan | Amorseko |
Pagkatapos makapag-pagawa ng reyna ng templo, siya na rin ang napreso | Anay |
Matapat kong alipin, sunud-sunuran sa akin | Anino |
Hindi naman hayop, hindi rin tao, may dalawang pakpak ngunit hindi naman maka-lipad | Aparador |
Kabayo kong pula, nanalo sa karera umuusok pa | Apoy |
Mula berde naging pula, napakatamis ng lasa, sinusungkit ni Ara | Aratiles |
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na | Araw |
Ginto sa kalangitan, hindi matitigan | Araw / Sun |
Mataas kung naka-upo, mababa kung nakatayo | Aso |
Tubig na nagiging bato, Batong nagiging tubig | Asin |
Hindi makalipad ang lobo, kung si Ason ay wala rito | Asoge |
Bahay ni Donya Ines, Napapaligiran ng butones | Atis |
Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng sangkatauhan | Babae |
Kahit gaano linisin, marumi ang tingin | Baboy |
Amoy ay may kabahuan, itim o pula ang kulay | Bagoong |
Walang pakpak, mabilis lumipad, malawak gumawak | Bagyo |
Palda ni Maria, ang kulay ay iba-iba | Bahaghari |
Kung araw ay inilalayo ka, kung gabi ay kinakabig ka | Bahay |
Kayraming nakahiga, Iilan lamang ang aabot sa lupa | Bakod |
Magandang lakaran, may kakintaban, makinis na bato sa loob ng tahanan | Baldosa |
Bahagi ng katawang sinasandalan, ng may problemang di makapag-pasan | Balikat |
Sa bansa o sa sandaigdigan, galaw ng tao’y dapat malaman, sa radyo at telebisyon man, ito ay sinusundan-sundan | Balita |
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa | Balimbing |
Lugar sa bahay na kakikitaan ng lahat ng bagay sa kapaligiran, lagus-lagusan ang hanging amihan, matitingala ka rito ng kalahatan | Balkonahe |
Kapirasong putol na tela, Mga mamamayan pinagsama-sama | Bandila |
Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo ay walang paa | Bangka |
Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahon | Banig |
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit | Baril |
Nakatitindig ng walang paa, may tiya’y walang bituka | Baso |
Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw | Batingaw |
Buhay na di kumikibo, patay na di bumabaho | Bato |
Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo | Batu-bato (bird) |
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop | Batya |
Naka-yuko na ang reyna, di nalalaglag ang korona | Bayabas |
May bibig walang panga, may tiyan walang bituka, may suso walang gatas, may puwit walang butas | Bayong |
Kay liit pa ni Neneng, marunong nang kumendeng | Bibe |
Isang balong malalim, puno ng patalim | Bibig |
Kung araw ay bukas, kung gabi ay sara | Bintana |
Itinanim sa kinagabihan, inani sa kinaumagahan | Bituin |
Sinakal ko muna, bago ko nilagari | Biyulin |
Nagbibigay na, sinasakal pa | Bote |
May langit, may lupa, may tubig walang isda | Buko |
Bumubuka’y walang bibig, Ngumingiti ng tahimik | Bulaklak |
Heto na si Lelong, Bubulong-bulong | Bubuyog |
Putol ka nang putol, hindi naman malipol | Buhok |
Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay | Bumbilya |
Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat | Bunganga |
Puting-puti sa kaliwanagan, Butong kinatatakutan ng karamihan | Bungo |
Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo | Buwan / Moon |
Maghapon silang nagpuputukan, hindi naman nagkakamatayan | Chicharon |
Kayumanggi ang balat ko, kasiya-siya ang pabango | Chico |
Naligo si Elmo, Hindi nabasa ang ulo | Dahon ng Gabi |
Limang puno ng niyog, isa’y matayog | Daliri |
Isang pasukan, Tatlo ang labasan | Damit |
Isda ko sa upak, Nagtatatalak | Dila |
Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay negro | Duhat |
Tumapak ako sa impyerno, maya-maya ay nasa langit na ako | Escalator |
Parang ipot na iniikot-ikot, Asukal ay ibinudbod | Ensaymada |
Batakin mo ang tadyang, Lalapad ang likuran | Payong |
Hayop na dalawa ang paa, Kung gumiri’y may abaniko | Pabo |
Heto na, heto na, Hindi mo pa makita | Hangin |
May sunog, may kipkip, may salakot sa puwit | Mais na may Bunga |
Baboy ko sa Kaingin, Tumataba’y walang kinakain | Punso |
Dalawang magkaibigan, unahan ng unahan | Paa |
Walang lapis, walang pluma, sumusulat ng maganda | Typewriter |
Hayop na mataba, Mamutuk-mutok ang damit na pangluksa | Kalabaw |
Walang sinumang nakaka-alam, pagdating ng kadiliman | Kamatayan |
Puting prutas na parang kuwintas, Berde at Rosas ang kinadenang balat | Kamatsile |
Sanga-sanga, buku-buko, Nagbubulaklak ay di nagbubuko, Naglalaman walang buto | Kamote |
Katawan at sanga, may mga bunga | Kamyas |
Tumatakbong bahay, Tinutulak-tulak | Kariton |
Lupa at buhangin ay sakay nito, Di naman katipunero ni Andres Bonifacio | Kartilya |
Walang ulo, walang mata, May bibig na laging umaariba, At isang tenga na bubuka-buka | Kawali |
Dalawang bunduk-bundukan, di maabot ng may katawan | Kilay |
Apoy na iginuhit, isinulat sa langit | Kidlat |
Isa ay normal, kabila ay problematiko | Kirat |
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob | Kulambo |
Baka ko sa Pandakan, Ang unga’y nakararating kahit saan | Kulog |
Walang bintanang makikita, pinto ay laging bukas | Kuweba |
Binili ko nang binili, pagkatapos ay ipinambigti | Kurbata |
Hinahatak sa ikailaliman, walang kamay na naka-tangan | Kumunoy |
Lumalakad habang bata pa, Nakaupo kapag malaki na, Minamatamis kung nasa gulang na | Kundol |
Ako’y lagi mong sinasamahan, kanarig kamay ay kaibigan | Kutsara |
Naka-upo na ang anak, Gumagapang pa ang ina | Kalabasa |
Mabilog ang mata, Pinaka-matalino sa tingin ng iba | Kwago |
Eto na si Ingkong, naka-upo sa lusong | Kasoy |
Koronang mapula ay katulad nito, lagi nang naka-kabit sa ulo | Palong |
Hayan na si Katoto, dala-dala ang kubo | Pagong |
Ang mukha’y parang tao, mataas lumukso, mabilis tumakbo | Matsing |
Batingaw ng bayan, Kulay ay may kapulahan | Makopa |
Berdeng kumot ng kalikasan, bumabalot sa pusalian | Lumot |
May pinto walang bintana, kinakahig upang magawa | Lungga |
Baston ng engkantada, nagniningning sa ganda | Lusis |
Bundok na bibitin-bitin, tinatangay ng hangin | Ulap |
Ang bahay ni Pedrito, walang pinto puro kwarto | Kawayan |
May dila nga ngunit ayaw naman magsalita, kambal sila’t laging kasama ang isa’t-isa, itali o igapos kahit higpitan mo pa, tiyak silang sa iyo ay sasama | Sapatos |
Ang utusan kong si Pedrito, palaging mainit ang ulo | Plantsa |
Ang katawan ay bala, ang bituka ay paminta | Papaya |
Hindi hari, hindi pari, Ang suot ay sari-sari | Sampayan |
Kapirasong lupa, napapaligiran ng sapa | Pulo |
Sundalong negro, nakatayo sa kanto | Poste |
Kung bayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay | Makahiya Plant |
Baston ni Adan, Hindi mabilang-bilang | Ulan |
Duguang buhok ni Letecia, sinipsip ng kanyang mga bisita | Spaghetti |
Lumalangoy sa ilug-ilugan, Puting-puti ang kasuotan | Gansa |
Walang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay sa pagkakakapit | Gagamba |
Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan, matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitan | Gunting |
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo | Gumamela |
Dumaan si Ulikba, Ang mga tao’y nahiga | Gabi / Night |
Mga eroplano sa kalawakan, dumadapo sa mga puno sa kagubatan | Ibon |
Dalawang balon, lalim ay paahon | Ilong |
Bahay ni Nano, walang bintana, walang pinto | Itlog |
Kinain ang isa, itinapon ang dalawa | Tulya |
Hindi akin, hindi sa iyo, ari ng lahat ng tao | Mundo |
Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo | Walis |
Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal | Manok |
Bisitang hindi inaasahan, nauuna sa hapag kainan | Langaw |
Limang magkakapatid, iisa ang dibdib | Kamay |
Bahay ni Kaka, Hindi matingala | Noo |
Umupo si itim, sinulot ni pula, Lumabas si puti, bubuga-buga | Sinaing |
Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang | Hito |
Ibon kong kay daldal, Ginagaya lang ang inuusal | Parrot |
Hinila ko ang baging, nag-iikot ang matsing | Trumpo |
Nagsaing si Kurukutong, kumukulo’y walang gatong | Sabon |
Maliit at malaki, iisa ang sinasabi | Relo |
Mapa-tubig mapa-lupa, Ang dahon ay laging sariwa | Kangkong |
Dalawang magkapatid, Sa pagdarasal ay namimintig | Tuhod |
Sinisindihan, wala namang inilawan | Sigarilyo |
Lumangoy lang si Kana, Naghiwalay na ang sapa | Zipper |
Kapag bago ay mahina, Matibay kapag naluma | Semento |
Pangyayari sa sandaigdigan, Nakikita sa loob ng tahanan | Telebisyon |
Lumalalim kung bawasan, Bumababaw kung dagdagan | Tapayan |
Binili kong mahal, Isinabit ko lamang | Hikaw |
Hindi hayop, hindi hunghang, Lumuluha ang abutan | Usok |
Tunog sa lalamunan, Tubig ang kailangan | Sinok |
Kung mahiga ay patagilid, Kung nakatayo ay patiwarik | Itak |
Bahay niya ay pitong labak, Pitu-pito rin ang anak | Sungka |
Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw din | Salamin |
Bahay ng hari, Lipos ng tari | Suha |
Munting siit na bumaon, Sa daliri ni Corazon | Salubsob |
Pritong saging sa kalan, Lumutong pagkat dinamitan | Turon |
Binatak ko ang isa, tatlo pa ang sumama | Panyo |
Maitim na puwit, Tangkay ay naka-kabit | Sungot |
Kawayang pinasakan, Nagniningning sa kaliwanagan | Sulo |
Karaniwan ito ay mestiso, nauubos sa kasusulat ng maestro | Yeso |
Modelo sa katauhan, tinitingala ng kalahatan | Uliran |
Lalagyan ng kaisipan, Tumatawid sa karagatan | Sobre |
Apat na magkakapatid, Sabay sabay ng sumisid | Tinidor |
Kabiyak na suman, magdamag kong binantayan | Suman |
Baboy ko sa Bukidnon, kung hindi mo sakyan hindi lalamon | Kudkudan ng Niyog |
Hindi madangkal, hindi madipa, pinagtutulungan ng lima | Karayom |
Dalawang magka-agapay na katawan, ginagawang akyatan | Hagdanan |
Ang labas ay tabla-tabla, ang loob ay sala-sala | Patola |
Sariling-sarili mo na, ginagamit pa ng iba | Pangalan |
Bugtong kong sapin-sapin, naka-sabit, naka-bitin, araw kung bilangin, isang taon kung tapusin | Kalendaryo |
Walang pintong pinasukan, naka-pasok sa kalooban | Pag-iisip |
Nung bata pa ay apat ang paa, nang lumaki ay dalawa, nang tumanda ay tatlo na | Tao |
Kung ano ang iniisip ni Beho, siya namang sinusulat ni Tsikito | Lapis o Ballpen |
Noong malinis ay hinahamak, nang magka-guhit ay kinausap | Papel |
Dugtong-dugtong, kabit-kabit, pagkabilis-bilis | Tren |
Mga paa’y walang baywang, may likod walang tiyan | Silya |
Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna | Niyog o Buko |
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo | Pusa |
Maliit pa si Nene, nakaka-akyat na sa tore | Langgam |
Sa araw ay nahihimbing, sa gabi ay gising | Paniki |
Tiniris mo na, inaamuyan pa | Surot |
Dala-dala mo siya, pero kinakain ka niya | Kuto |
Kung kailan ka tahimik, saka nambubuwisit | Lamok |
Dalawang batong maitim, malayo ang nararating | Mata |
Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bata | Gatas ng Ina |
Isang bakud-bakuran, sari-sari ang nagdaan | Ngipin |
Tatal na munti, pang-kamot sa kati | Kuko |
Munting bundok, hindi madampot | Tae |
Isang bayabas, pito ang butas | Mukha |
Bahay ng anluwagi, iisa ang haligi | Kabute |
Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya | Puso ng Saging |
Nang munti pa ay paru-paro, nang lumaki ay latigo | Sitaw |
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray | Talong |
Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umaga | Sigarilyas |
Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung kainin | Mangga |
Bahay ni Margarita, naliligid ng sandata | Pinya |
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin | Saging |
Sinampal ko muna, bago ko inalok | Sampalok |
Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman | Kabaong |
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay | Kubyertos |
Likidong itim, pang-kulay sa lutuin | Toyo |
Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis | Palay |
Bahay ni San Vicente, punung-puno ng diyamante | Granada |
Sapagkat lahat na ay nakahihipo, walang kasindumi’t, walang kasimbaho, bakit mahal nati’t ipinakatatago | Salapi/Pera |
Isang bahay na bato, ang takip ay bilao | Suso |
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni | Kuliglig |
Banga ng pari, Paulit-ulit | Duyan |
Instrumentong pang-harana, hugis nito ay katawan ng dalaga | Gitara |
Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan | Singsing |
Bagama’t nakatakip ay naisisilip | Salamin sa Mata |
Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako | Plato |
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo | Watawat |
Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita | Tenga |
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako | Langka |
Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso | Santol |
Ito namang pinsan ko, Saka lang kikilos kung pinapalo | Pako |
May puno walang bunga, may dahon, walang sanga | Sandok |
Munting tampipi, puno ng salapi | Sili |
Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay | Puno ng Siniguelas |
Maliit na bahay, puno ng mga patay | Posporo |
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin | Sumbrero |
Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan | Yoyo |
Hindi hayop, hindi tao, nagsusuot ng sumbrero | Sabitan ng Sumbrero |
Ang distansiya’y dagat na malawak, Sa mahabang kawad lang ay makapag-usap | Telepono |
Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig, pagkaraa’y naman agad binabalik | Sipon |
Anong meron sa jeep, tricyle at bus na wala sa eroplano | Side Mirror |
Pagkagat ng madiin, naiiwan ang ngipin | Stapler |
Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal | Lansones |
Abaruray, Abarinding, kung maalinsangan ay kumekendeng | Pamaypay |
Dalawang magkaibigan lakad ng lakad, wala namang patutunguhan | Kamay ng Orasan |
May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod | Tutubi |
Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap | Parol |
Daang nagpapa-ikli sa lakbayin mo, maaaring gawa sa bato, bakal o kahoy | Tulay |
Kalesa ko si Infanta, Takbo ng takbo pero naka-para | Tumba-tumba |
Kung araw ay patung-patong, kung gabi’y dugtung-dugtong | Unan |
Sumbrero ang panakip natin sa ulo, Ito naman ang panaklob sa bahay ni Lolo | Yero |
Malaki kung bata, lumiliit pag tumanda dahil sa kakahasa | Gulok |
Malaking tahanan, hindi tinitirhan | Simbahan |
Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit | Sinturon |
Isang silong tanikala, sa leeg iniakma, Ang magsuot diwata, Gumaganda’t gumagara | Kuwintas |
Hindi tao, hindi hayop, may katawan, walang paa, may ilong walang mukha, may tenga walang ulo | Martilyo |
Mapa-gabi, mapa-araw, walang tigil sa kadadaldal, Ngunit kapag nakainisan, atin itong pinapatay | Radyo |
Makina kong si Moreno, nasa puwit ang preno | Karayom at Sinulid |
Alisto ka pandak, daraing si pabigat | Dikin / patungan ng mga kaldero |
Dito ko itinanim, doon lumaki | Flashlight |
Hindi tao, hindi hayop, ngunit nagbibigay ng init sa katawan | Jacket |
Korteng bunduk-bundukan, itinataklob sa ulo ninuman upang hindi mainitan o maulanan | Salakot |
Sinamba ko muna, bago ko nililo | Sambalilo |
Malakas na panawag ko, Hihinto ka pag hinipan ni Kabo | Silbato |
Mga salitang dapat maunawaan, Di dapat iparinig kaninuman, kaya dapat mata lang ang gumalaw | Sulat |
Urong-sulong, panay ang lamon, urong-sulong lumalamon | Lagare |
Sundalong bakal, kabukiran ay pinapatag, hinihiwalay nito mga batong nakalatag | Suyod |
Kunin mo ang buntot ko, at sisisid ako | Tabo na may Hawakan |
Ospital ng mga sasakyan, kung may sakit ay nilulunasan | Talyer |
Bugtong-bugtong, magkaka-dugtong | Tanikala |
Kapag itinaas ay nagpapalakpakan, Kapag ibinaba ay nag-uuwian | Telon |
Iniinom ito ng pluma, upang ang sulat ay mapa-ganda | Tinta |
Nakapananakit itong sandata, gawa lamang sa sanga, balat at goma | Tirador |
Matotorete ka sa kataasan, Makikita mo na rito ang malayong kapaligiran | Tore |
Batong pang-arkitekturang may kalamigan, maaaring gawing dingding ng tahanan | Tisa |
Maingay ang paligid kung ito’y hihipan, bagong taon na nga para sa kabataan | Torotot |
Higanteng sasakyan isa lang ang laman, Binubungkal nito ang anumang maraanan | Traktora |
Daanan ng tubig sa ilalim ng lupa, kung mabubutas ito lagot ka sa mikrobyo | Tubo |
Mga isdang nagsisiksikan sa latang kanilang tirahan | Sardinas |
Malambot na kalamay na may katamisan, malinamnam at gawang Kapampangan | Tamales |
May binti, walang hita, may balbas, walang baba, may matamis, nginunguya | Tubo / Sugarcane |
Gatas na inasukalan, selopeyn ang pinagbalutan | Yema |
Maputing-maputing parang Chinita, pag pinakuluan sa mantika ay namumula | Tokwa |
Buhos ng tubig na umaabot sa kaitaasan, tumatalon sa ilog-ilogan | Talon |
Bibingka ng hari, hindi mo mahati | Tubig |
Ako’y iyak ng iyak, patuloy ang agos ng luha, kahit daanan ng tubig ay biyak, nilabas ko lang ang galit hanggang ito’y maging bula | Ilog |
Kung saan masikip, doon nagsisiksik | Labong ng Kawayan |
Problemang pang-kalikasan, naghahatid ng maraming kamatayan sa hayop man o sa halaman | Salot |
Mananayaw na puti ang kasuotan, nagpapabulaklak sa manggahan | Siga |
Likido ang ikinabubuhay niya, Hangin ang ikinamamatay niya | Lampara |
Dalawang suklob na pinggan, punong-puno ng kayamanan | Langit at Lupa |
Bugtong-bugtong, hindi mabitawan kahit may kasalanan | Pag-Ibig |
Nang ihulog ko’y buto, nang hanguin ko’y malaking trumpo | Singkamas |
Munggo ito na ipinunla sa taniman, naging puno itong walang dahon malalabay | Togue |
Pamalo ni Mang Selo, mula paa hanggang ulo, niluluto mo mo rin ito | Upo |
Namunga na nga talaga, bakit nakakalbo pa | Sinigwelas |
Balat ay berde, buto’y itim, laman ay pula, Turingan mo kung ano siya | Pakwan |
Nanganak ang Aswang, sa tuktok dumaan | Puno ng Saging |
Isdang parang ahas, sa karagatan pumapa-gaspas | Igat |
Nakapag-lalakad at nakalilipad, Kung minsa’y parang estatwang panatag, negrung-negro sa kaitiman, pakpak ay kakintaban | Salagubang |
Hindi platero, hindi kusinero, nagbibili ng pagkain o perlas na maningning | Talaba |
Damit niya ay dilaw na may bandang itim ang mga kulay, pangil ay nanggigigil, mga kuko ay sisikil | Tigre |
Malakas at mabikas na sigaw ng tandang sa madaling araw | Tilaok ng Manok |
Dalawang ibon inutusan nang humupa ang bagyo’t ulan, lumipad sa kapaligiran, si Noah ay binalitaan | Kalapati at Uwak |
Aling hayop sa mundo, lumalakad ay walang buto | Uod |
Manok kong itim, nang putulan ng dila, saka pa nagsalita | Ibong Martinez |
Binabantayan, Binabalikan, hindi iniiwan | Sinaing |
Ang paa’y apat, hindi naman makalakad | Lamesa |
Laro ito ng talunan, taas ang binibilang, di mo dapat sayaran ang dangkal na sukatan | Luksong Tinik |
Lambat ang kanyang dala-dala, sa ilog at dagat nagpupunta | Mangingisda |
Pahaba itong mangga, kahel ang kulay pag nahinog na | Manggang Piko |
Kailangan mo ito, upang sarili mo ay itago | Maskara |
Hindi tao, hindi hayop, may buhok | Mais |
Kung gusto mo tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako’y mamatay | Kandila |
Nagkakahig sa lupa, hanap ay uod na dakila para sa anak na kaawa-awa | Inahing Manok |
Tunog ito ng kalungkutan, sumasabay sa sinumang luhaan | Hikbi |
Kapag busog ay naka-tayo, kapag gutom ay naka-yuko | Sako |
Tubig na sakdal linaw, natipak, nahahawakan | Yelo |
Isang taon inabangan, nang mahuli’y saka pinawalan | Tubig sa Alulod |
Nagsaing ako ng apoy, Tubig ang iginatong | Ilaw na Gasera |
May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata | Suso ng Ina |
Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap | Sukat |
Dalawa kong kahon, buksan walang ugong | Mata |
Aling ibon dito sa mundo ang lumilipad at sumususo ang anak | Kabag |
Tubig na nagpapa-taranta, Aakyatin pa sa puno upang makuha | Tuba |
Kapag bumabaha sa paliguan, mga liyabi ang kanyang tangan-tangan | Tubero |
Ibinabalot sa balikat ninuman, lalo’t malamig ang kapaligiran | Tibabal |
Dula itong nagtatampok sa krus ni Kristo, na natagpuan ni Elena at Konstantino | Tibag |
Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika, kapag may pinipiritong isda | Tilamsik |
Ang ulo ay kabayo, Ang leeg ay pare, Ang katawan ay uod, Ang paa ay lagare | Tipaklong |
Pinakinggan niya ako, pinakinggan ko siya | Tape Recorder |
Munting karton ito na kinamprentahan ng iyong pangalan, telepono at tirahan | Tarheta |
Kahoy, bato o bakal na may kataasan, dito pinararangalan ang bandila ng kabansaan | Tagdan |
Malakas na iyak ng kalungkutan, ng isang namatayan na nagmamahal | Taghoy |
Kabaligtaran ng kabiguan, simbulo ng lawrel sa labanan, damdamin ay puno ng katuwaan | Tagumpay |
Sisidlang papel na kono ang hugis, malalagyan ng maning mainit | Sungsong |
Mga daliring naglalabanan, sa lamesa nag tunggalian | Sumping |
Bituin itong nagniningning, malalim ang nararating | Starfish |
Dadalhin ka nito sa ilalim ng karagatan, upang si Marino ay makapanayam | Submarino |
Likidong may kaasiman, nagpapangiwi kaninuman | Suka / Vinegar |
Mga dumi sa kapaligiran, Di nilalanggam tulad ng asukal | Sukal |
Hindi hayop, hindi tao, kumakain ng itim na damo | Suklay |
Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat? | Sungay ng Usa |
Nakikipag-tayugan sa kalangitan, Sementado at may kakinisan, mapapadali ang lalakbayan | Skywalk |
Usap-usapang di mapigilan, lumalaki ang tsismisan | Sitsit |
Hindi ka pa gaanong nilalagnat, sakit ay di pa ganap | Sinat |
Maliit na sugat sa bibig, dahil sa tag-init at hindi sa tag-lamig | Singaw |
Ihip higop ang kailangan, upang ang musika ay mapakinggan | Silindro |
Kung puno na ang itaas ng bahay, dito tayo iniistama ng maybahay | Silong |
Upuang may kamaharlikan, maraming adorno at kaborloloyan | Silyon |
Pagkain dito ay dekorasyon lamang, Nagsisilbing pobreng sabitan | Sima |
Ito ang lugar na tinutulugan sa loob ng kabahayan | Silid |
Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng mga kamay | Siko |
Hindi pa inahin, marami pang bulateng kakainin | Sisiw |
Mapulang mukha ay tinikan, ngunit busilak ang kalooban | Rambutan |
Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupi | Pantalon |
Itim na tinta ang panulat, ng milyong kamay na kagulat-gulat | Pusit |
Kung si Kupido ay pakikinggan, Ito ay pinaka-mahalagang bahagi ng katawan | Puso |
Lupang pinitik-pitik, naglalawa sa paligid | Putik |
Masaya itong pagdiriwang, may banderitas sa bawat lansangan | Piyesta |
Habang kinakain, lalo kang gugutumin | Purga |
Batik-batik na sugo, kapareho ni Tugo | Pugo |
Gatas na pinulbos at inasukalan, papel de hapon ang binalutan | Pulboron |
Puting hamog na ikinuskos, sa mukha’y nagpapa-alindog | Pulbos |
Pilak na pulbos pag binilot, makamamatay kay Pepot | Pulbura |
Naka-dikit ito sa balat, sumisipsip ito ng dugo | Pulgas |
Pinakikinis niya ang kasuotan, habang idinadampi ang nagbabagang bakal | Plantsadora |
Matibay ang luma kaysa bago | Pilapil |
Kailangan pambalat ay pukpukin, bago ito makain | Pili Mani |
Di makita ay kaylapit, Kahit na pumikit-pikit | Pilikmata |
Lagi niyang kaharap ang mga ulap, Tagapag-hatid ng mga tao sa kaitasaan, sakay ang ibon sa kalangitan | Piloto |
Paglalarawan ang kanyang trabaho, kailangan niya ay makukulay na Oleo | Pintor |
Hindi hayop, hindi tao, etong pipeng si Crispino | Pipino |
Saranggolang naglalayag sa kalangitan, napapa-layo pa nito ang paglalakbay | Pisi |
Ama ng wikang Filipino, sa Pilipinas ay naging pangulo | Quezon |
Makinarya itong potograpo, mapararami litrato at manuskrito | Xerox |
Ingay ng paa sa kapaligiran, nagbibigay takot kung napakinggan | Yabag |
Mga batang may karalitaan, pakalat-kalat sa lansangan | Yagit |
Itinapon ko ang laman, balat ang iningatan | Yantok |
Nagpakalayu-layo ng libot, sa pinanggalingan din ang pasok | Prusisyon |
Mag-inang ibon dito tumigil, upang ipadama kanilang pag-giliw | Pugad |
Manok na nilugawan, patis at kalamansi ang kasamahan, mabilis nating papaspasan | Pospas |
Umagos na tintang may kabahuan, bulok na putik sa kanal-kanalan | Pusali |
Kalapastanganang napakasama, Pangalan ng bayaning dinadakila, Ipinangalan sa hamak na isda | Rajah Lapu-Lapu |
Susun-susong dahon, bolang binalumbon | Repolyo |
Kapiraso itong papel na katunayan na bayad ka na sa anumang biniling gamit | Resibo |
Di lakatan, di rin latundan, pero saging itong may katabaan | Saging na Saba |
Labanan ito ng pupugan, at matulis na tari ng kamatayan | Sabong |
Tumayo si Tarsan, nagsilayo ang mga indiyan | Saging na Binabalatan |
Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin | Sapat |
Isang baging, iisa ang dahon | Saranggola |
Barong itinatapis lamang, maaaring gawing kasuotan, Thailand ang pinanggalingan | Sarong |
Sa pitong magkaka-toto, lima lamang ang naging santo | Semana Santa |
Ikaw na humihiwa-hiwa, ay siya pang lumuluha | Sibuyas |
Kilalang instrumentong pangmusika, Anas ang napagsasayaw sa tugtog niya | Plauta |
Kung walang refrihidora, inilalagay dito pagkaing natira | Platera |
Nagtanim ako ng granada sa krus na karsada, Pitong puno, pitong sanga, pitong pare ang nanguha | Pitong Sakramento |
Ikutan nang ikutan, hindi naman nagkaka-bungguan | Planeta |
Noong bata ay may buntot, Noong lumaki’y nagka-tuhod | Palaka |
Pambungkal sa lupang tatamnam, matulis at nadadala saan man | Piko |
Prutas itong binibilli rin ng pera, dilaw ang balat, kampana ni Rosa | Peras |
Bukol na mainit-init pa, parang bulkang sasabog siya | Pigsa |
Hari ng karagatan, palikpik ang matatanawan | Pating |
Isdang inasnan, nalusaw sa taguan, pinakinabangan, ginawang sawsawan | Patis |
Mga paang may kalaparan, pakendeng-kendeng ang puting katawan | Pato |
Maliit na daang parang eskinita, hindi naman ito lalaking silya | Pasilyo |
Dito ka maaaring manga-lumbaba, habang nanunuod sa may bintana | Pasimano |
Umaatikabong takbuhan, Dapat ay mabilisan, Ingat kahit pinapalugitan, Sa mga linyang binabantayan | Patintero |
Bahay ng halaman, nabubuhat kahit saan | Paso / Pot |
Mahabaang banal na awitan, ginagawa kung mahal na araw | Pasyon |
Buto itong kinakain mo, balat ay tinatapon ng kusinero | Patane |
Makulay na palabas sa mga kalsada, may banda at tanawing nagpapa-saya | Parada |
Parang bakal na tadyang, trabaho’y ihawan ng baboy, baka o isda man | Parilya |
Ulo ng isang bansa, ibinoto ng madla | Pangulo |
Walang paa’y lumalakad, ang bakas ay nangungusap | Panitik |
Matamis na pinag-taklob, sintigas ng ulo ng niyog | Panutsa |
Isang tingting na kay tigas, nang ikiskis ay nag-dingas | Palito |
Ang taya ay pipiringan, Pamalo ay tangan-tangan, May inaasinta sa kataasan | Pagbagsak ng Palayok |
Kung bago ay pula, Itim kung luma na | Palayok |
Isda sa ilog nakukuha mo, tantang-tantangin lamang ang instrumento | Pamingwit |
Hatak dito, hatak doon, ipinapasok sa mainit na kulungan | Panadero |
Pukpok dito, pukpok diyan, bakal ay pinapantay, matitigas na bisig na pang-hanapbuhay | Panday |
Maliit sa batya ang laki niya, lalagyan ng isasampay na kamiseta | Palanggana |
Tangan-tangan sa umaga, galaw ng bansa ay nakikita | Pahayagan |
Pang-itaas at pang-ibabang pantulog, ginarteran o may asintos na tuhog | Pajama |
Makulay na sasakyang pribado, ginagawang taxi ng ibang tao | Oto |
Tulog man o gising, kailangan itong gawin | Pag-hinga |
Sa paghalik ito’y ginagamit, kapareha ng labing umiibig | Nguso |
Apog, ikmo at bunga, pinagsama-sama upang magka-isa | Nga-nga |
Ito ay matatamisan, kahit hindi lagyan ng asukal | Ngiti |
Buwan ng mga nangamatay, kaluluwa’y ipinagdarasal | Nobyembre |
Wika ng musika, nababasa lamang ng musikero at musikera | Nota |
Itim na tilamsik sa balat, Hindi mo mabaltak-baltak | Nunal |
Maliit lang at maaaring matapakan, bunduk-bundukan ang tirahan | Nuno |
Parang kinudkod na yelo, nasa malalamig na bansa lang ito | Nyebe |
Maliit na tahanang napipinturahan, Dito nakahimlay ang pumanaw | Nitso |
Mga hudyong namamaskarahan, Paikut-ikot kung mahal na araw, May hinahanap sa kapaligiran, dadakpin at tatalian | Muryones |
Bulutong kung sa mukha, Kung sa pagkai’y ano kaya | Munggo |
Heto na si Amain, Nagbibili ng hangin | Musikero |
Malayo sa siyudad ng kabihasnan, Sentro ng kultura sa lalawigan | Nayon |
Dilaw na laman makakayod mo, milyon ang buto nito, Asukal ay kailangan, Gatas ay magpapalinamnam | Melon |
“Miss” pa ang dalaga batay sa pangalan niya, Pero sinasabawan siya nilalagyan ng patola | Miswa |
Sa bakal ay ipinupukpok ito, Bituin ay makikita mo | Maso |
Hindi hayop, Hindi tao, Nagpapa-takbo | Makina |
Pandikdik ng palay, Gawa sa kahoy na Matibay | Lusong |
Ginto sa kabukiran, madali mong mabungkal | Luya |
Mahaba ang kasuotan, Ulo niya ay natatalukbungan, Dasal niya ay kapayapaan | Madre |
Nang pawalan ko’y iisa, Nang dumating ay dalawa | Mag-Asawa |
Lupa ay kanilang binubungkal, Hangad niyang makaani ng palay | Magbubukid |
Ang kuneho ay nagiging loro, Ang loro ay nagiging dugtong-dugtong na panyolito | Magician |
Sa tindero tubo ay nagpapaligaya, Ano kaya ang nagpapalungkot sa kanila | Lugi |
Mga rekadong sari-sari, Bihisan ng puting-puti | Lumpia |
Dito nagpapahinga ang mga bata, Habang hinihintay init ay mawala | Lilim |
Walang buto, walang tadyang, Nguni’t kung sumipsip parang orangutan | Linta |
Ikinakabit ito sa regalo, Isinasabit sa buhok ni Amparito | Laso |
Tumayo si Tarsan, nagsilayo ang mga indiyan | Lechon |
Magandang mukha mo sa karton, Nararating ang pinaka-malayong nayon | Larawan |
Sa mga makatang nagtutunggalian, Ang trabaho niya ay mamagitan | Lakandiwa |
Maliit na buto lang ang inihulog, Puting tubo na nang mabunot | Labanos |
Bagay na pinaki-iwan, kukunin din sa ibang araw | Lagak |
Hindi hayop, hindi tao, ngunit kumakain at umiinom | Inidoro |
Kasama nito ang nakaraan, bakas na pinagdaanan | Yapak |
Puno ko sa Marigondon, nagsasangay walang dahon | Usa |
Natawa ang nagbigay, nagalit ang pinagbigyan | Utot |
Binili kong itim, nang itapon ay naging puti | Uling |
Malapit sa tingin, hindi marating | Langit |
Likod nito ay bundok, Sasakyan ng tatlong Haring mago | Kamelyo |
Matinik at berdeng tampipi, Asim at tamis pinagsama | Guyabano |
Isang bilugang babae, Sa tagiliran kung dumumi | Gilingan |
Nagsaing si Hudas, Kinuha ang hugas, Itinapon ang bigas | Gata |
Maalat kung papa-arawan, makalilipad sa kapalaran | Daing |
Animo’y magsasaka kung gumapas, itim ay ibinabasura | Barbero |
Tawag ay balon, balat ay nakapa-loob | Balun-Balunan |
Pagpanhik ng bata, Tumutumba ang matanda | Bagong Taon |
Iba’t ibang kulay ng ulo, nagkaka-banggaan ito | Bilyar |
Laging naka-sakay, wala namang pinapasyalan | Bubong |
Hayop kong si Kolondrino, Luha ay pakitang tao | Buwaya |
Tumpok na lupa, nakapag-luluto at parang bibingkahan | Bulkan |
Bakod na sira-sira, kitang-kita kapag bumuka | Bungi o Bungal |
Ang sanga ay lagari, Ang dahon ay espada, Ang bunga ay bala | Puno ng Buli |
May sungay hindi hayop, hindi tao tumatakbo | Bisikleta |
Pinakain ko ng pinakain, pagkatapos akin itong ibinitin | Bingwit |
Pakwan ay ipapasok, mag-ingat baka ika’y maipit | Basketball |
Maaaring gawing lagari, Kumpul-kumpol sa balag ng Hari | Bataw |
Malapit kang tanawin, malayo kung lalakarin | Bundok |
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan | Kumpisalan |
Espada ni Juan, itinusok sa buwan | Lollipop |
Nandoon, nandoon, ang sabi wala namang mata | Hintuturo |
Dalawang magkaibigan, nasa likod ang tiyan | Binti |
Ang abot ng paa ko’y, abot rin ng ilong ko | Elepante |
Akyat baba, may pintuan, ngunit walang bintana | Elevator |
Umiikot ang hari, umiiyak ang reyna | Gripo |
Alaga kong usa, sa pag-gising ay bumabaho na | Laway |
Barko ng binyagan, Pagano pa ang naka-lulan | Buntis |
Kay sarap pag-masdan at abutin, ngunit mahirap maangkin | Langit |
Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang nagsipag-hanap, iisa ang nagka-palad | Dalaga |
Lagi siyang kinukwentuhan, ngunit hindi naman nakikipag-sagutan | Mikropono |
Hindi tao, hindi hayop, puro hangin ang laman nito | Lobo |
Matangkad na halaman, makislap ang bunga | Christmas Tree |
Ipinatong sa saging, tinakpan din ng saging | Bibingka |
Hindi ito hilaw, mayaman kapag naka-tuklaw | Ginto |
Kung ako’y mamahalin mo, makasasama ako sa iyo | Alak |
Binili mo ng mahal, sa isang iglap ito’y nawala na parang bula | Paputok o Fireworks |
Kausap ko si Toto, ang tingin ay malayo | Duling |
Maaaring makita sa tubig, ngunit hindi basa | Panganganinang (Reflection) |
References
Eugenio, D. (1983). The Riddles. Philippine Folk Literature Series. Vol. V (1st ed.). Quezon City: University of the Philippines.
Gervacio, G. (2011). 101 Bugtong na Hindi Alam ng Titser Mo (1st ed.). University of Santo Tomas Publishing.
FilipiKnow
FilipiKnow strives to ensure each article published on this website is as accurate and reliable as possible. We invite you, our reader, to take part in our mission to provide free, high-quality information for every Juan. If you think this article needs improvement, or if you have suggestions on how we can better achieve our goals, let us know by sending a message to admin at filipiknow dot net
Copyright Notice
All materials contained on this site are protected by the Republic of the Philippines copyright law and may not be reproduced, distributed, transmitted, displayed, published, or broadcast without the prior written permission of filipiknow.net or in the case of third party materials, the owner of that content. You may not alter or remove any trademark, copyright, or other notice from copies of the content. Be warned that we have already reported and helped terminate several websites and YouTube channels for blatantly stealing our content. If you wish to use filipiknow.net content for commercial purposes, such as for content syndication, etc., please contact us at legal(at)filipiknow(dot)net