×Win a Vacation to Boracay for Two 🏖️ & Weekly Prizes 2024 💸 Start Winning
Home  »  Facts & FiguresHistory & Culture   »   Bugtong Bugtong With Answer: 500+ Filipino Riddles

Bugtong Bugtong With Answer: 500+ Filipino Riddles

Bugtong Bugtong With Answer: 500+ Filipino Riddles

Bugtong. They say it’s too old-school, boring, and a form of literature facing imminent death. While hugot lines and jokes are all the rage these days, bugtong has been relegated to books rarely touched by youngsters growing up in this age of digital boom.

For starters, bugtong is a Filipino riddle (palaisipan) consisting of two rhyme phrases. It uses symbolism to describe a specific object, which the listener can guess using imagination.

Take the following riddle as an example:

Balong  malalim, puno ng patalim

(Deep well, full of knives)

One should never take these words literally. By letting your imagination do the work, you’d picture a hollow cavity filled with cutting objects. The answer: mouth.

Some people may find it too puzzling, but that’s precisely what Pinoy riddle is about. It challenges your wit, tests your familiarity with the surroundings, and lets your imagination run wild.

Bugtong: An Essential Part of Filipino Culture

The Pinoy riddle has been around for ages. Bugtong-bugtungan was a favorite pastime of early Filipinos. It’s also part of our folklore, grouped in the same category as the salawikain or proverbs. 

In the book “The Riddles. Philippine Folk Literature Series. Vol. V,” Damiana Eugenio said:

“Riddles belong to a large class of enigmatic and puzzling questions that one person poses to another during a riddling session. They rank with myths, fables, folktales, and proverbs; most riddles are characterized by brevity, wit, and felicitous phrasing, and as such effective ways of transmitting folk wisdom to succeeding generations in capsule form.”

Sadly, the same literary form that has survived many generations is now being neglected by the young Filipinos who should preserve it in the first place.

But are we supposed to let things as they are? Is it time to embrace the new and let go of the old?

As German Gervacio’s “101 Bugtong na Hindi Alam ng Titser Mo” has proven, there’s a solution: create new riddles whose subjects are modern gadgets or terms that present-day Filipinos are familiar with.

Bugtong Bugtong With Answer: Can You Guess These Tricky Pinoy Riddles?

BUGTONG

Let’s revive the dying art of bugtong by answering this set of Pinoy riddles that combines the classic with the modern. Encourage others to play as well.

BugtongSagot
Nang maliit ay mestiso, nang lumaki’y negroAbo ng Sigarilyo
Sa madre pare ito ay kasuotan, pormal na unipormeng kagalang-galangAbito
Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalantaAcacia
Tubig ito na takbo ng takbo, sa dagat-dagatan, sa ilug-ilugan, pati na sa batuhanAgos
Baston ni Kapitan, Hindi ko mahawakanAhas
Dito ka galing tao, dito rin uuwi ang kabuuan moAlabok
Makinang na bato ay ipinagbibili niya, nagbabaka-sakaling ikaw ay kumuhaAlahera
Katulong mo sa lahat ng gawain, tagumpay mo ang mithiinAlalay
Dala nito’y kasuotan, panandalian lang kung bihisan, pagkat kung may araw lamang ito pinakikinabanganAlambre
Pusang pagkabilis-bilis, kumakain ng mga itikAlamid o Musang
Ako’y malinamnam, sipit-sipit ng sinipitan, durugin ang kabahayan ng ako ay matikmanAlige
Bahay ni Ka Huli, haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawaliAlimango
Hanging gala sa kapaligiran, singaw ng lupa kapag umuulanAlimuom
Sigawan mo siya, sisigawan ka rin niyaAlingawngaw
Sa nakatataas ay sunud-sunuran, para siyang may parusang dapat pagbayaranAlipin
Isang kulisap, Kikislap-kislapAlitaptap
Pukpok dito, pukpok diyan, durugan at dikdikanAlmires
Yari sa matigas na tela, hinabi ng kamay at makina, pwedeng tapakan huwag lang pagpahiranAlpombre
Heto na, heto na malayo pa’y humahalakhak naAlon
Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman loobAlkansiya
Parang kiki-kiti ang galaw, maraming paa’y naghahabulanAlupihan
Bahay ng salita, imbakan ng diwaAklat
Tumutubo ito, namumuti-muti at nangingitim-ngitimAmag
Mumunting biyaya sa kalangitan, nakababasa rin sa bumbunanAmbon
Nang sumipot sa liwanag, kulubot na ang balatAmpalaya
Sa bukid nagsasaksakan, sa bahay nagbunutanAmorseko
Pagkatapos makapag-pagawa ng reyna ng templo, siya na rin ang napresoAnay
Matapat kong alipin, sunud-sunuran sa akinAnino
Hindi naman hayop, hindi rin tao, may dalawang pakpak ngunit hindi naman maka-lipadAparador
Kabayo kong pula, nanalo sa karera umuusok paApoy
Mula berde naging pula, napakatamis ng lasa, sinusungkit ni AraAratiles
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi naAraw
Ginto sa kalangitan, hindi matitiganAraw / Sun
Mataas kung naka-upo, mababa kung nakatayoAso
Tubig na nagiging bato, Batong nagiging tubigAsin
Hindi makalipad ang lobo, kung si Ason ay wala ritoAsoge
Bahay ni Donya Ines, Napapaligiran ng butonesAtis
Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng sangkatauhanBabae
Kahit gaano linisin, marumi ang tinginBaboy
Amoy ay may kabahuan, itim o pula ang kulayBagoong
Walang pakpak, mabilis lumipad, malawak gumawakBagyo
Palda ni Maria, ang kulay ay iba-ibaBahaghari
Kung araw ay inilalayo ka, kung gabi ay kinakabig kaBahay
Kayraming nakahiga, Iilan lamang ang aabot sa lupaBakod
Magandang lakaran, may kakintaban, makinis na bato sa loob ng tahananBaldosa
Bahagi ng katawang sinasandalan, ng may problemang di makapag-pasanBalikat
Sa bansa o sa sandaigdigan, galaw ng tao’y dapat malaman, sa radyo at telebisyon man, ito ay sinusundan-sundanBalita
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap paBalimbing
Lugar sa bahay na kakikitaan ng lahat ng bagay sa kapaligiran, lagus-lagusan ang hanging amihan, matitingala ka rito ng kalahatanBalkonahe
Kapirasong putol na tela, Mga mamamayan pinagsama-samaBandila
Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo ay walang paaBangka
Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahonBanig
Sa maling kalabit, may buhay na kapalitBaril
Nakatitindig ng walang paa, may tiya’y walang bitukaBaso
Uka na ang tiyan, malakas pang sumigawBatingaw
Buhay na di kumikibo, patay na di bumabahoBato
Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag moBatu-bato (bird)
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salopBatya
Naka-yuko na ang reyna, di nalalaglag ang koronaBayabas
May bibig walang panga, may tiyan walang bituka, may suso walang gatas, may puwit walang butasBayong
Kay liit pa ni Neneng, marunong nang kumendengBibe
Isang balong malalim, puno ng patalimBibig
Kung araw ay bukas, kung gabi ay saraBintana
Itinanim sa kinagabihan, inani sa kinaumagahanBituin
Sinakal ko muna, bago ko nilagariBiyulin
Nagbibigay na, sinasakal paBote
May langit, may lupa, may tubig walang isdaBuko
Bumubuka’y walang bibig, Ngumingiti ng tahimikBulaklak
Heto na si Lelong, Bubulong-bulongBubuyog
Putol ka nang putol, hindi naman malipolBuhok
Isang butil ng palay, sakop ang buong bahayBumbilya
Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugatBunganga
Puting-puti sa kaliwanagan, Butong kinatatakutan ng karamihanBungo
Kaisa-isang plato, kita sa buong mundoBuwan / Moon
Maghapon silang nagpuputukan, hindi naman nagkakamatayanChicharon
Kayumanggi ang balat ko, kasiya-siya ang pabangoChico
Naligo si Elmo, Hindi nabasa ang uloDahon ng Gabi
Limang puno ng niyog, isa’y matayogDaliri
Isang pasukan, Tatlo ang labasanDamit
Isda ko sa upak, NagtatatalakDila
Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay negroDuhat
Tumapak ako sa impyerno, maya-maya ay nasa langit na akoEscalator
Parang ipot na iniikot-ikot, Asukal ay ibinudbodEnsaymada
Batakin mo ang tadyang, Lalapad ang likuranPayong
Hayop na dalawa ang paa, Kung gumiri’y may abanikoPabo
Heto na, heto na, Hindi mo pa makitaHangin
May sunog, may kipkip, may salakot sa puwitMais na may Bunga
Baboy ko sa Kaingin, Tumataba’y walang kinakainPunso
Dalawang magkaibigan, unahan ng unahanPaa
Walang lapis, walang pluma, sumusulat ng magandaTypewriter
Hayop na mataba, Mamutuk-mutok ang damit na pangluksaKalabaw
Walang sinumang nakaka-alam, pagdating ng kadilimanKamatayan
Puting prutas na parang kuwintas, Berde at Rosas ang kinadenang balatKamatsile
Sanga-sanga, buku-buko, Nagbubulaklak ay di nagbubuko, Naglalaman walang butoKamote
Katawan at sanga, may mga bungaKamyas
Tumatakbong bahay, Tinutulak-tulakKariton
Lupa at buhangin ay sakay nito, Di naman katipunero ni Andres BonifacioKartilya
Walang ulo, walang mata, May bibig na laging umaariba,
At isang tenga na bubuka-buka
Kawali
Dalawang bunduk-bundukan, di maabot ng may katawanKilay
Apoy na iginuhit, isinulat sa langitKidlat
Isa ay normal, kabila ay problematikoKirat
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataobKulambo
Baka ko sa Pandakan, Ang unga’y nakararating kahit saanKulog
Walang bintanang makikita, pinto ay laging bukasKuweba
Binili ko nang binili, pagkatapos ay ipinambigtiKurbata
Hinahatak sa ikailaliman, walang kamay na naka-tanganKumunoy
Lumalakad habang bata pa, Nakaupo kapag malaki na,
Minamatamis kung nasa gulang na
Kundol
Ako’y lagi mong sinasamahan, kanarig kamay ay kaibiganKutsara
Naka-upo na ang anak, Gumagapang pa ang inaKalabasa
Mabilog ang mata, Pinaka-matalino sa tingin ng ibaKwago
Eto na si Ingkong, naka-upo sa lusongKasoy
Koronang mapula ay katulad nito, lagi nang naka-kabit sa uloPalong
Hayan na si Katoto, dala-dala ang kuboPagong
Ang mukha’y parang tao, mataas lumukso, mabilis tumakboMatsing
Batingaw ng bayan, Kulay ay may kapulahanMakopa
Berdeng kumot ng kalikasan, bumabalot sa pusalianLumot
May pinto walang bintana, kinakahig upang magawaLungga
Baston ng engkantada, nagniningning sa gandaLusis
Bundok na bibitin-bitin, tinatangay ng hanginUlap
Ang bahay ni Pedrito, walang pinto puro kwartoKawayan
May dila nga ngunit ayaw naman magsalita, kambal sila’t laging kasama ang isa’t-isa, itali o igapos kahit higpitan mo pa, tiyak silang sa iyo ay sasamaSapatos
Ang utusan kong si Pedrito, palaging mainit ang uloPlantsa
Ang katawan ay bala, ang bituka ay pamintaPapaya
Hindi hari, hindi pari, Ang suot ay sari-sariSampayan
Kapirasong lupa, napapaligiran ng sapaPulo
Sundalong negro, nakatayo sa kantoPoste
Kung bayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatayMakahiya Plant
Baston ni Adan, Hindi mabilang-bilangUlan
Duguang buhok ni Letecia, sinipsip ng kanyang mga bisitaSpaghetti
Lumalangoy sa ilug-ilugan, Puting-puti ang kasuotanGansa
Walang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay sa pagkakakapitGagamba
Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan, matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitanGunting
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugoGumamela
Dumaan si Ulikba, Ang mga tao’y nahigaGabi / Night
Mga eroplano sa kalawakan, dumadapo sa mga puno sa kagubatanIbon
Dalawang balon, lalim ay paahonIlong
Bahay ni Nano, walang bintana, walang pintoItlog
Kinain ang isa, itinapon ang dalawaTulya
Hindi akin, hindi sa iyo, ari ng lahat ng taoMundo
Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga uloWalis
Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawalManok
Bisitang hindi inaasahan, nauuna sa hapag kainanLangaw
Limang magkakapatid, iisa ang dibdibKamay
Bahay ni Kaka, Hindi matingalaNoo
Umupo si itim, sinulot ni pula, Lumabas si puti, bubuga-bugaSinaing
Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapangHito
Ibon kong kay daldal, Ginagaya lang ang inuusalParrot
Hinila ko ang baging, nag-iikot ang matsingTrumpo
Nagsaing si Kurukutong, kumukulo’y walang gatongSabon
Maliit at malaki, iisa ang sinasabiRelo
Mapa-tubig mapa-lupa, Ang dahon ay laging sariwaKangkong
Dalawang magkapatid, Sa pagdarasal ay namimintigTuhod
Sinisindihan, wala namang inilawanSigarilyo
Lumangoy lang si Kana, Naghiwalay na ang sapaZipper
Kapag bago ay mahina, Matibay kapag nalumaSemento
Pangyayari sa sandaigdigan, Nakikita sa loob ng tahananTelebisyon
Lumalalim kung bawasan, Bumababaw kung dagdaganTapayan
Binili kong mahal, Isinabit ko lamangHikaw
Hindi hayop, hindi hunghang, Lumuluha ang abutanUsok
Tunog sa lalamunan, Tubig ang kailanganSinok
Kung mahiga ay patagilid, Kung nakatayo ay patiwarikItak
Bahay niya ay pitong labak, Pitu-pito rin ang anakSungka
Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw dinSalamin
Bahay ng hari, Lipos ng tariSuha
Munting siit na bumaon, Sa daliri ni CorazonSalubsob
Pritong saging sa kalan, Lumutong pagkat dinamitanTuron
Binatak ko ang isa, tatlo pa ang sumamaPanyo
Maitim na puwit, Tangkay ay naka-kabitSungot
Kawayang pinasakan, Nagniningning sa kaliwanaganSulo
Karaniwan ito ay mestiso, nauubos sa kasusulat ng maestroYeso
Modelo sa katauhan, tinitingala ng kalahatanUliran
Lalagyan ng kaisipan, Tumatawid sa karagatanSobre
Apat na magkakapatid, Sabay sabay ng sumisidTinidor
Kabiyak na suman, magdamag kong binantayanSuman
Baboy ko sa Bukidnon, kung hindi mo sakyan hindi lalamonKudkudan ng Niyog
Hindi madangkal, hindi madipa, pinagtutulungan ng limaKarayom
Dalawang magka-agapay na katawan, ginagawang akyatanHagdanan
Ang labas ay tabla-tabla, ang loob ay sala-salaPatola
Sariling-sarili mo na, ginagamit pa ng ibaPangalan
Bugtong kong sapin-sapin, naka-sabit, naka-bitin, araw kung bilangin, isang taon kung tapusinKalendaryo
Walang pintong pinasukan, naka-pasok sa kaloobanPag-iisip
Nung bata pa ay apat ang paa, nang lumaki ay dalawa, nang tumanda ay tatlo naTao
Kung ano ang iniisip ni Beho, siya namang sinusulat ni TsikitoLapis o Ballpen
Noong malinis ay hinahamak, nang magka-guhit ay kinausapPapel
Dugtong-dugtong, kabit-kabit, pagkabilis-bilisTren
Mga paa’y walang baywang, may likod walang tiyanSilya
Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitnaNiyog o Buko
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligoPusa
Maliit pa si Nene, nakaka-akyat na sa toreLanggam
Sa araw ay nahihimbing, sa gabi ay gisingPaniki
Tiniris mo na, inaamuyan paSurot
Dala-dala mo siya, pero kinakain ka niyaKuto
Kung kailan ka tahimik, saka nambubuwisitLamok
Dalawang batong maitim, malayo ang nararatingMata
Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bataGatas ng Ina
 Isang bakud-bakuran, sari-sari ang nagdaanNgipin
Tatal na munti, pang-kamot sa katiKuko
Munting bundok, hindi madampotTae
Isang bayabas, pito ang butasMukha
Bahay ng anluwagi, iisa ang haligiKabute
Maganda kong senyorita, susun-suson ang sayaPuso ng Saging
Nang munti pa ay paru-paro, nang lumaki ay latigoSitaw
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katurayTalong
Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umagaSigarilyas
Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung kaininMangga
Bahay ni Margarita, naliligid ng sandataPinya
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kaninSaging
Sinampal ko muna, bago ko inalokSampalok
Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalamanKabaong
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulayKubyertos
Likidong itim, pang-kulay sa lutuinToyo
Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulisPalay
Bahay ni San Vicente, punung-puno ng diyamanteGranada
Sapagkat lahat na ay nakahihipo, walang kasindumi’t, walang kasimbaho, bakit mahal nati’t ipinakatatagoSalapi/Pera
Isang bahay na bato, ang takip ay bilaoSuso
Maliit pa si kumare, marunong ng humuniKuliglig
Banga ng pari, Paulit-ulitDuyan
Instrumentong pang-harana, hugis nito ay katawan ng dalagaGitara
Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibiganSingsing
Bagama’t nakatakip ay naisisilipSalamin sa Mata
Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan akoPlato
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundaloWatawat
Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makitaTenga
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pakoLangka
Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagrosoSantol
Ito namang pinsan ko, Saka lang kikilos kung pinapaloPako
May puno walang bunga, may dahon, walang sangaSandok
Munting tampipi, puno ng salapiSili
Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhayPuno ng Siniguelas
Maliit na bahay, puno ng mga patayPosporo
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akinSumbrero
Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalinganYoyo
Hindi hayop, hindi tao, nagsusuot ng sumbreroSabitan ng Sumbrero
Ang distansiya’y dagat na malawak, Sa mahabang kawad lang ay makapag-usapTelepono
Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig, pagkaraa’y naman agad binabalikSipon
Anong meron sa jeep, tricyle at bus na wala sa eroplanoSide Mirror
Pagkagat ng madiin, naiiwan ang ngipinStapler
Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristalLansones
Abaruray, Abarinding, kung maalinsangan ay kumekendengPamaypay
Dalawang magkaibigan lakad ng lakad, wala namang patutunguhanKamay ng Orasan
May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhodTutubi
Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislapParol
Daang nagpapa-ikli sa lakbayin mo, maaaring gawa sa bato, bakal o kahoyTulay
Kalesa ko si Infanta, Takbo ng takbo pero naka-paraTumba-tumba
Kung araw ay patung-patong, kung gabi’y dugtung-dugtongUnan
Sumbrero ang panakip natin sa ulo, Ito naman ang panaklob sa bahay ni LoloYero
Malaki kung bata, lumiliit pag tumanda dahil sa kakahasaGulok
Malaking tahanan, hindi tinitirhanSimbahan
Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapitSinturon
Isang silong tanikala, sa leeg iniakma, Ang magsuot diwata, Gumaganda’t gumagaraKuwintas
Hindi tao, hindi hayop, may katawan, walang paa, may ilong walang mukha, may tenga walang uloMartilyo
Mapa-gabi, mapa-araw, walang tigil sa kadadaldal, Ngunit kapag nakainisan, atin itong pinapatayRadyo
Makina kong si Moreno, nasa puwit ang prenoKarayom at Sinulid
Alisto ka pandak, daraing si pabigatDikin / patungan ng mga kaldero
Dito ko itinanim, doon lumakiFlashlight
Hindi tao, hindi hayop, ngunit nagbibigay ng init sa katawanJacket
Korteng bunduk-bundukan, itinataklob sa ulo ninuman upang hindi mainitan o maulananSalakot
Sinamba ko muna, bago ko nililoSambalilo
Malakas na panawag ko, Hihinto ka pag hinipan ni KaboSilbato
Mga salitang dapat maunawaan, Di dapat iparinig kaninuman, kaya dapat mata lang ang gumalawSulat
Urong-sulong, panay ang lamon, urong-sulong lumalamonLagare
Sundalong bakal, kabukiran ay pinapatag, hinihiwalay nito mga batong nakalatagSuyod
Kunin mo ang buntot ko, at sisisid akoTabo na may Hawakan
Ospital ng mga sasakyan, kung may sakit ay nilulunasanTalyer
Bugtong-bugtong, magkaka-dugtongTanikala
Kapag itinaas ay nagpapalakpakan, Kapag ibinaba ay nag-uuwianTelon
Iniinom ito ng pluma, upang ang sulat ay mapa-gandaTinta
Nakapananakit itong sandata, gawa lamang sa sanga, balat at gomaTirador
Matotorete ka sa kataasan, Makikita mo na rito ang malayong kapaligiranTore
Batong pang-arkitekturang may kalamigan, maaaring gawing dingding ng tahananTisa
Maingay ang paligid kung ito’y hihipan, bagong taon na nga para sa kabataanTorotot
Higanteng sasakyan isa lang ang laman, Binubungkal nito ang anumang maraananTraktora
Daanan ng tubig sa ilalim ng lupa, kung mabubutas ito lagot ka sa mikrobyoTubo
Mga isdang nagsisiksikan sa latang kanilang tirahanSardinas
Malambot na kalamay na may katamisan, malinamnam at gawang KapampanganTamales
May binti, walang hita, may balbas, walang baba, may matamis, nginunguyaTubo / Sugarcane
Gatas na inasukalan, selopeyn ang pinagbalutanYema
Maputing-maputing parang Chinita, pag pinakuluan sa mantika ay namumulaTokwa
Buhos ng tubig na umaabot sa kaitaasan, tumatalon sa ilog-iloganTalon
Bibingka ng hari, hindi mo mahatiTubig
Ako’y iyak ng iyak, patuloy ang agos ng luha, kahit daanan ng tubig ay biyak, nilabas ko lang ang galit hanggang ito’y maging bulaIlog
Kung saan masikip, doon nagsisiksikLabong ng Kawayan
Problemang pang-kalikasan, naghahatid ng maraming kamatayan sa hayop man o sa halamanSalot
Mananayaw na puti ang kasuotan, nagpapabulaklak sa manggahanSiga
Likido ang ikinabubuhay niya, Hangin ang ikinamamatay niyaLampara
Dalawang suklob na pinggan, punong-puno ng kayamananLangit at Lupa
Bugtong-bugtong, hindi mabitawan kahit may kasalananPag-Ibig
Nang ihulog ko’y buto, nang hanguin ko’y malaking trumpoSingkamas
Munggo ito na ipinunla sa taniman, naging puno itong walang dahon malalabayTogue
Pamalo ni Mang Selo, mula paa hanggang ulo, niluluto mo mo rin itoUpo
Namunga na nga talaga, bakit nakakalbo paSinigwelas
Balat ay berde, buto’y itim, laman ay pula, Turingan mo kung ano siyaPakwan
Nanganak ang Aswang, sa tuktok dumaanPuno ng Saging
Isdang parang ahas, sa karagatan pumapa-gaspasIgat
Nakapag-lalakad at nakalilipad, Kung minsa’y parang estatwang panatag, negrung-negro sa kaitiman, pakpak ay kakintabanSalagubang
 Hindi platero, hindi kusinero, nagbibili ng pagkain o perlas na maningningTalaba
Damit niya ay dilaw na may bandang itim ang mga kulay, pangil ay nanggigigil, mga kuko ay sisikilTigre
Malakas at mabikas na sigaw ng tandang sa madaling arawTilaok ng Manok
Dalawang ibon inutusan nang humupa ang bagyo’t ulan, lumipad sa kapaligiran, si Noah ay binalitaanKalapati at Uwak
Aling hayop sa mundo, lumalakad ay walang butoUod
Manok kong itim, nang putulan ng dila, saka pa nagsalitaIbong Martinez
Binabantayan, Binabalikan, hindi iniiwanSinaing
Ang paa’y apat, hindi naman makalakadLamesa
Laro ito ng talunan, taas ang binibilang, di mo dapat sayaran ang dangkal na sukatanLuksong Tinik
Lambat ang kanyang dala-dala, sa ilog at dagat nagpupuntaMangingisda
Pahaba itong mangga, kahel ang kulay pag nahinog naManggang Piko
Kailangan mo ito, upang sarili mo ay itagoMaskara
Hindi tao, hindi hayop, may buhokMais
Kung gusto mo tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako’y mamatayKandila
Nagkakahig sa lupa, hanap ay uod na dakila para sa anak na kaawa-awaInahing Manok
Tunog ito ng kalungkutan, sumasabay sa sinumang luhaanHikbi
Kapag busog ay naka-tayo, kapag gutom ay naka-yukoSako
Tubig na sakdal linaw, natipak, nahahawakanYelo
Isang taon inabangan, nang mahuli’y saka pinawalanTubig sa Alulod
Nagsaing ako ng apoy, Tubig ang iginatongIlaw na Gasera
May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bataSuso ng Ina
Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausapSukat
Dalawa kong kahon, buksan walang ugongMata
Aling ibon dito sa mundo ang lumilipad at sumususo ang anakKabag
Tubig na nagpapa-taranta, Aakyatin pa sa puno upang makuhaTuba
Kapag bumabaha sa paliguan, mga liyabi ang kanyang tangan-tanganTubero
Ibinabalot sa balikat ninuman, lalo’t malamig ang kapaligiranTibabal
Dula itong nagtatampok sa krus ni Kristo, na natagpuan ni Elena at KonstantinoTibag
Masakit na pag-iktad ng kumukulong mantika, kapag may pinipiritong isdaTilamsik
Ang ulo ay kabayo, Ang leeg ay pare, Ang katawan ay uod, Ang paa ay lagareTipaklong
Pinakinggan niya ako, pinakinggan ko siyaTape Recorder
Munting karton ito na kinamprentahan ng iyong pangalan, telepono at tirahanTarheta
Kahoy, bato o bakal na may kataasan, dito pinararangalan ang bandila ng kabansaanTagdan
Malakas na iyak ng kalungkutan, ng isang namatayan na nagmamahalTaghoy
Kabaligtaran ng kabiguan, simbulo ng lawrel sa labanan, damdamin ay puno ng katuwaanTagumpay
Sisidlang papel na kono ang hugis, malalagyan ng maning mainitSungsong
Mga daliring naglalabanan, sa lamesa nag tunggalianSumping
Bituin itong nagniningning, malalim ang nararatingStarfish
Dadalhin ka nito sa ilalim ng karagatan, upang si Marino ay makapanayamSubmarino
Likidong may kaasiman, nagpapangiwi kaninumanSuka / Vinegar
Mga dumi sa kapaligiran, Di nilalanggam tulad ng asukalSukal
Hindi hayop, hindi tao, kumakain ng itim na damoSuklay
Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?Sungay ng Usa
Nakikipag-tayugan sa kalangitan, Sementado at may kakinisan, mapapadali ang lalakbayanSkywalk
Usap-usapang di mapigilan, lumalaki ang tsismisanSitsit
Hindi ka pa gaanong nilalagnat, sakit ay di pa ganapSinat
Maliit na sugat sa bibig, dahil sa tag-init at hindi sa tag-lamigSingaw
Ihip higop ang kailangan, upang ang musika ay mapakingganSilindro
Kung puno na ang itaas ng bahay, dito tayo iniistama ng maybahaySilong
Upuang may kamaharlikan, maraming adorno at kaborloloyanSilyon
Pagkain dito ay dekorasyon lamang, Nagsisilbing pobreng sabitanSima
Ito ang lugar na tinutulugan sa loob ng kabahayanSilid
Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng mga kamaySiko
Hindi pa inahin, marami pang bulateng kakaininSisiw
Mapulang mukha ay tinikan, ngunit busilak ang kaloobanRambutan
Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupiPantalon
Itim na tinta ang panulat, ng milyong kamay na kagulat-gulatPusit
Kung si Kupido ay pakikinggan, Ito ay pinaka-mahalagang bahagi ng katawanPuso
Lupang pinitik-pitik, naglalawa sa paligidPutik
Masaya itong pagdiriwang, may banderitas sa bawat lansanganPiyesta
Habang kinakain, lalo kang gugutuminPurga
Batik-batik na sugo, kapareho ni TugoPugo
Gatas na pinulbos at inasukalan, papel de hapon ang binalutanPulboron
Puting hamog na ikinuskos, sa mukha’y nagpapa-alindogPulbos
Pilak na pulbos pag binilot, makamamatay kay PepotPulbura
Naka-dikit ito sa balat, sumisipsip ito ng dugoPulgas
Pinakikinis niya ang kasuotan, habang idinadampi ang nagbabagang bakalPlantsadora
Matibay ang luma kaysa bagoPilapil
Kailangan pambalat ay pukpukin, bago ito makainPili Mani
Di makita ay kaylapit, Kahit na pumikit-pikitPilikmata
Lagi niyang kaharap ang mga ulap, Tagapag-hatid ng mga tao sa kaitasaan, sakay ang ibon sa kalangitanPiloto
Paglalarawan ang kanyang trabaho, kailangan niya ay makukulay na OleoPintor
Hindi hayop, hindi tao, etong pipeng si CrispinoPipino
Saranggolang naglalayag sa kalangitan, napapa-layo pa nito ang paglalakbayPisi
Ama ng wikang Filipino, sa Pilipinas ay naging panguloQuezon
Makinarya itong potograpo, mapararami litrato at manuskritoXerox
Ingay ng paa sa kapaligiran, nagbibigay takot kung napakingganYabag
Mga batang may karalitaan, pakalat-kalat sa lansanganYagit
Itinapon ko ang laman, balat ang iningatanYantok
Nagpakalayu-layo ng libot, sa pinanggalingan din ang pasokPrusisyon
Mag-inang ibon dito tumigil, upang ipadama kanilang pag-giliwPugad
Manok na nilugawan, patis at kalamansi ang kasamahan, mabilis nating papaspasanPospas
Umagos na tintang may kabahuan, bulok na putik sa kanal-kanalanPusali
Kalapastanganang napakasama, Pangalan ng bayaning dinadakila, Ipinangalan sa hamak na isdaRajah Lapu-Lapu
Susun-susong dahon, bolang binalumbonRepolyo
Kapiraso itong papel na katunayan na bayad ka na sa anumang biniling gamitResibo
Di lakatan, di rin latundan, pero saging itong may katabaanSaging na Saba
Labanan ito ng pupugan, at matulis na tari ng kamatayanSabong
Tumayo si Tarsan, nagsilayo ang mga indiyanSaging na Binabalatan
Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahinSapat
Isang baging, iisa ang dahonSaranggola
Barong itinatapis lamang, maaaring gawing kasuotan, Thailand ang pinanggalinganSarong
Sa pitong magkaka-toto, lima lamang ang naging santoSemana Santa
Ikaw na humihiwa-hiwa, ay siya pang lumuluhaSibuyas
Kilalang instrumentong pangmusika, Anas ang napagsasayaw sa tugtog niyaPlauta
Kung walang refrihidora, inilalagay dito pagkaing natiraPlatera
Nagtanim ako ng granada sa krus na karsada, Pitong puno, pitong sanga, pitong pare ang nanguhaPitong Sakramento
Ikutan nang ikutan, hindi naman nagkaka-bungguanPlaneta
Noong bata ay may buntot, Noong lumaki’y nagka-tuhodPalaka
Pambungkal sa lupang tatamnam, matulis at nadadala saan manPiko
Prutas itong binibilli rin ng pera, dilaw ang balat, kampana ni RosaPeras
Bukol na mainit-init pa, parang bulkang sasabog siyaPigsa
Hari ng karagatan, palikpik ang matatanawanPating
Isdang inasnan, nalusaw sa taguan, pinakinabangan, ginawang sawsawanPatis
Mga paang may kalaparan, pakendeng-kendeng ang puting katawanPato
Maliit na daang parang eskinita, hindi naman ito lalaking silyaPasilyo
Dito ka maaaring manga-lumbaba, habang nanunuod sa may bintanaPasimano
Umaatikabong takbuhan, Dapat ay mabilisan, Ingat kahit pinapalugitan, Sa mga linyang binabantayanPatintero
Bahay ng halaman, nabubuhat kahit saanPaso / Pot
Mahabaang banal na awitan, ginagawa kung mahal na arawPasyon
Buto itong kinakain mo, balat ay tinatapon ng kusineroPatane
Makulay na palabas sa mga kalsada, may banda at tanawing nagpapa-sayaParada
Parang bakal na tadyang, trabaho’y ihawan ng baboy, baka o isda manParilya
Ulo ng isang bansa, ibinoto ng madlaPangulo
Walang paa’y lumalakad, ang bakas ay nangungusapPanitik
Matamis na pinag-taklob, sintigas ng ulo ng niyogPanutsa
Isang tingting na kay tigas, nang ikiskis ay nag-dingasPalito
Ang taya ay pipiringan, Pamalo ay tangan-tangan, May inaasinta sa kataasanPagbagsak ng Palayok
Kung bago ay pula, Itim kung luma naPalayok
Isda sa ilog nakukuha mo, tantang-tantangin lamang ang instrumentoPamingwit
Hatak dito, hatak doon, ipinapasok sa mainit na kulunganPanadero
Pukpok dito, pukpok diyan, bakal ay pinapantay, matitigas na bisig na pang-hanapbuhayPanday
Maliit sa batya ang laki niya, lalagyan ng isasampay na kamisetaPalanggana
Tangan-tangan sa umaga, galaw ng bansa ay nakikitaPahayagan
Pang-itaas at pang-ibabang pantulog, ginarteran o may asintos na tuhogPajama
Makulay na sasakyang pribado, ginagawang taxi ng ibang taoOto
Tulog man o gising, kailangan itong gawinPag-hinga
Sa paghalik ito’y ginagamit, kapareha ng labing umiibigNguso
Apog, ikmo at bunga, pinagsama-sama upang magka-isaNga-nga
Ito ay matatamisan, kahit hindi lagyan ng asukalNgiti
Buwan ng mga nangamatay, kaluluwa’y ipinagdarasalNobyembre
Wika ng musika, nababasa lamang ng musikero at musikeraNota
Itim na tilamsik sa balat, Hindi mo mabaltak-baltakNunal
Maliit lang at maaaring matapakan, bunduk-bundukan ang tirahanNuno
Parang kinudkod na yelo, nasa malalamig na bansa lang itoNyebe
Maliit na tahanang napipinturahan, Dito nakahimlay ang pumanawNitso
Mga hudyong namamaskarahan, Paikut-ikot kung mahal na araw, May hinahanap sa kapaligiran, dadakpin at tatalianMuryones
Bulutong kung sa mukha, Kung sa pagkai’y ano kayaMunggo
Heto na si Amain, Nagbibili ng hanginMusikero
Malayo sa siyudad ng kabihasnan, Sentro ng kultura sa lalawiganNayon
Dilaw na laman makakayod mo, milyon ang buto nito, Asukal ay kailangan,
Gatas ay magpapalinamnam
Melon
“Miss” pa ang dalaga batay sa pangalan niya, Pero sinasabawan siya nilalagyan ng patolaMiswa
Sa bakal ay ipinupukpok ito, Bituin ay makikita moMaso
Hindi hayop, Hindi tao, Nagpapa-takboMakina
Pandikdik ng palay, Gawa sa kahoy na MatibayLusong
Ginto sa kabukiran, madali mong mabungkalLuya
Mahaba ang kasuotan, Ulo niya ay natatalukbungan, Dasal niya ay kapayapaanMadre
Nang pawalan ko’y iisa, Nang dumating ay dalawaMag-Asawa
Lupa ay kanilang binubungkal, Hangad niyang makaani ng palayMagbubukid
Ang kuneho ay nagiging loro, Ang loro ay nagiging dugtong-dugtong na panyolitoMagician
Sa tindero tubo ay nagpapaligaya, Ano kaya ang nagpapalungkot sa kanilaLugi
Mga rekadong sari-sari, Bihisan ng puting-putiLumpia
Dito nagpapahinga ang mga bata, Habang hinihintay init ay mawalaLilim
Walang buto, walang tadyang, Nguni’t kung sumipsip parang orangutanLinta
Ikinakabit ito sa regalo, Isinasabit sa buhok ni AmparitoLaso
Tumayo si Tarsan, nagsilayo ang mga indiyanLechon
Magandang mukha mo sa karton, Nararating ang pinaka-malayong nayonLarawan
Sa mga makatang nagtutunggalian, Ang trabaho niya ay mamagitanLakandiwa
Maliit na buto lang ang inihulog, Puting tubo na nang mabunotLabanos
Bagay na pinaki-iwan, kukunin din sa ibang arawLagak
Hindi hayop, hindi tao, ngunit kumakain at umiinomInidoro
Kasama nito ang nakaraan, bakas na pinagdaananYapak
Puno ko sa Marigondon, nagsasangay walang dahonUsa
Natawa ang nagbigay, nagalit ang pinagbigyanUtot
Binili kong itim, nang itapon ay naging putiUling
Malapit sa tingin, hindi maratingLangit
Likod nito ay bundok, Sasakyan ng tatlong Haring magoKamelyo
Matinik at berdeng tampipi, Asim at tamis pinagsamaGuyabano
Isang bilugang babae, Sa tagiliran kung dumumiGilingan
Nagsaing si Hudas, Kinuha ang hugas, Itinapon ang bigasGata
Maalat kung papa-arawan, makalilipad sa kapalaranDaing
Animo’y magsasaka kung gumapas, itim ay ibinabasuraBarbero
Tawag ay balon, balat ay nakapa-loobBalun-Balunan
Pagpanhik ng bata, Tumutumba ang matandaBagong Taon
Iba’t ibang kulay ng ulo, nagkaka-banggaan itoBilyar
Laging naka-sakay, wala namang pinapasyalanBubong
Hayop kong si Kolondrino, Luha ay pakitang taoBuwaya
Tumpok na lupa, nakapag-luluto at parang bibingkahanBulkan
Bakod na sira-sira, kitang-kita kapag bumukaBungi o Bungal
Ang sanga ay lagari, Ang dahon ay espada, Ang bunga ay balaPuno ng Buli
May sungay hindi hayop, hindi tao tumatakboBisikleta
Pinakain ko ng pinakain, pagkatapos akin itong ibinitinBingwit
Pakwan ay ipapasok, mag-ingat baka ika’y maipitBasketball
Maaaring gawing lagari, Kumpul-kumpol sa balag ng HariBataw
Malapit kang tanawin, malayo kung lalakarinBundok
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdananKumpisalan
Espada ni Juan, itinusok sa buwanLollipop
Nandoon, nandoon, ang sabi wala namang mataHintuturo
Dalawang magkaibigan, nasa likod ang tiyanBinti
Ang abot ng paa ko’y, abot rin ng ilong koElepante
Akyat baba, may pintuan, ngunit walang bintanaElevator
Umiikot ang hari, umiiyak ang reynaGripo
Alaga kong usa, sa pag-gising ay bumabaho naLaway
Barko ng binyagan, Pagano pa ang naka-lulanBuntis
Kay sarap pag-masdan at abutin, ngunit mahirap maangkinLangit
Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang nagsipag-hanap, iisa ang nagka-paladDalaga
Lagi siyang kinukwentuhan, ngunit hindi naman nakikipag-sagutanMikropono
Hindi tao, hindi hayop, puro hangin ang laman nitoLobo
Matangkad na halaman, makislap ang bungaChristmas Tree
Ipinatong sa saging, tinakpan din ng sagingBibingka
Hindi ito hilaw, mayaman kapag naka-tuklawGinto
Kung ako’y mamahalin mo, makasasama ako sa iyoAlak
Binili mo ng mahal, sa isang iglap ito’y nawala na parang bulaPaputok o Fireworks
Kausap ko si Toto, ang tingin ay malayoDuling
Maaaring makita sa tubig, ngunit hindi basaPanganganinang (Reflection)
 

References

Eugenio, D. (1983). The Riddles. Philippine Folk Literature Series. Vol. V (1st ed.). Quezon City: University of the Philippines.

Gervacio, G. (2011). 101 Bugtong na Hindi Alam ng Titser Mo (1st ed.). University of Santo Tomas Publishing.

Written by FilipiKnow

in Facts & Figures, History & Culture

Last Updated

FilipiKnow

FilipiKnow strives to ensure each article published on this website is as accurate and reliable as possible. We invite you, our reader, to take part in our mission to provide free, high-quality information for every Juan. If you think this article needs improvement, or if you have suggestions on how we can better achieve our goals, let us know by sending a message to admin at filipiknow dot net

Browse all articles written by FilipiKnow

Copyright Notice

All materials contained on this site are protected by the Republic of the Philippines copyright law and may not be reproduced, distributed, transmitted, displayed, published, or broadcast without the prior written permission of filipiknow.net or in the case of third party materials, the owner of that content. You may not alter or remove any trademark, copyright, or other notice from copies of the content. Be warned that we have already reported and helped terminate several websites and YouTube channels for blatantly stealing our content. If you wish to use filipiknow.net content for commercial purposes, such as for content syndication, etc., please contact us at legal(at)filipiknow(dot)net

FILIPIKNOW® is a registered trademark of the owner of Pacific Pact with Registration No. 4/2019/00504365. All content is copyrighted.
Terms of Service & Privacy Policy About Filipiknow Facts & Figures