70 Things You Didn’t Know Had Filipino Names
Have you ever come across something you know all your life but never knew the exact name to call it?
Well, you’re not alone. Most of us don’t know how to call specific things in English let alone their exact Filipino translation.
If your knowledge about the Filipino language is as limited as your skills in solving Algebra equations, no need to fret. Here are 70 forgotten words (most are considered sinaunang Tagalog) that will enrich your Filipino vocabulary and make you a little bit smarter:
1. Abor: nabubulok na bahagi ng punongkahoy, karaniwan sa butas ng puno nito (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 5).
2. Babahan: upuan sa bangka (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 97).
3. Patalbog: paglangoy na isinisipa ang mga paa (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 949).
4. Salakat: pagkukrus ng mga binti (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1083).
5. Tagasyang: kanin na medyo hilaw (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1201).
6. Dagalak: tunog na likha ng apoy (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 249).
7. Balantugi: hinugasang bigas na hindi naisaing, ibinilad sa araw, at maaaring isaing muli (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 115).
8. Agayay: agos ng tubig sa ilog (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 17).
9. Agwad: pag-iwas o pagtatago sa pingakakautangan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 20)
10. Bahir: iba’t ibang kuklay sa bestida o damit ng babae (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 106).
Also Read: 11 Shapes You Didn’t Know Had Filipino Names
11. Abot-agawin: pinakagitnang bahagi ng likod na kahanay ng gulugod (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 6).
12. Badhi: guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 99).
13. Aklaha: hiyawan ng mga unggoy (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 23).
14. Kalabukob: dumadagundong na tunog tulad ng ingay ng tambol (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 548).
15. Alimpuyok: amoy ng kaning nasusunog (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 34).
16. Bakang-bakang: lupain o daan na may malalaking bitak (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 108).
17. Ambubuyog: malaking lalaking bubuyog (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 46).
18. Inlaan: bahay balintataw o ang pabilog na bahagi ng mata sa paligid ng balintataw (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 503).
19. Tangak: ang ulo ng trumpo, o ang hawakan ng espada (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1224).
20. Alimbuyugin: makitid ang pag-iisip (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 34).
21. Alitit: tunog ng kawayan pagsayaw sa hangin (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 37).
22. Bagalin: lalaking mataba (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 100).
23. Apal: hindi pantay, tulad ng hinating kalabasa na ang kalahati ay mas malaki o maliit kaysa kabila (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 65).
24. Balairir: tinik o bikig sa lalamunan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 113).
25. Apok: pagkakalat sa hangin ng maliliit na bagay, tulad ng alikabok, mga butil, at iba pa (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 68).
26. Apiran: higaan ng mag-asawa (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 67).
27. Kantutay: maliit, mabalahibo, at masangang palumpong (Lantana camara) na may matinik na sanga, aromatiko at may bulaklak na dalandan, pula o maputi puti, at lila (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 573).
28. Baktal: nabiyak na singsing (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 111).
29. Balasbas: mabilis na pagpukpok ng martilyo (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 116).
30. Agatat: marka sa pamamagitan ng patalim o lagare (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 17).
31. Alimbukay: pag-ilandang ng tubig dahil sa pagsagwan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 34).
32. Balabar: paggawa ng apoy sa dagat upang matanaw mula sa malayo (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 112).
33. Dairi: malakas na ulan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 253).
34. Uror: pagsupsop ng sanggol sa gatas ng ina (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1309).
35. Alangan: maliit na buko ng niyog (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 29).
36. Alon-alon: dugong dumadaloy sa pagitan ng balat at laman (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 40).
37. Dalpak: walang arko ang talampakan o flatfooted (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 258).
38. Alinduot: amoy ng usok sa loob ng silid (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 35).
39. Amog-amog: pagpapakain ng ibon sa sariling inakay (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 48).
40. Yangit: pagsasaing sa kaunting tubig (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1343).
41. Ulag: panginginig at pagtaas ng balahibo ng tandang dahil sa takot (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1298).
42. Talihin: mabilis tumayo ang buhok, gaya ng dahil sa takot (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1214).
43. Agaas: mahina at banayad na hangin (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 16).
44. Agom: mabantot na isda (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 19).
45. Abotdan: kanin na hindi maayos ang pagkaluto; kaning nahilaw o nasunog (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 6).
46. Gahi: punit na nag-uumpisang makita sa damit dahil sa lubhang pagkagamit (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 379).
47. Halagap o Halugap: tila duming namumuo sa ibabaw ng pinakuluang karne at buto (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 425).
48. Agas: mahinang kaluskos ng ahas, daga, at katulad (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 17).
49. Agiyo: maliit na palayok (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 18).
50. Gatgat: tila yupi o hiwa na marka sa balat o rabaw. Halimbawa: Gatgat sa rehas, gatgat sa dulo ng turnilyo (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 392).
51. Akak: putok o malaking biyak sa haligi o poste (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 22).
52. Galamos: kalmot o guhit sa mukha na likha ng kuko, pako, o anumang matulis na bagay (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 381).
53. Asga: sunog sa gubat, lalo na ang natatanaw mula sa kabayanan; sunog sa bundok (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 81).
54. Gamol: dumi sa mukha (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 385).
55. Hami: pautal-utal magsalita dahil sa kalasingan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 430).
56. Ugak: ingay ng maalong dagat (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1296).
57. Aliparo: maliit na paruparo na karaniwang dilaw ang pakpak (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 36).
58. Ampang: panimulang paglakad ng isang bata (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 49).
59. Ganay: dalagang malaking bulas kaya higit na mukhang matanda kaysa gulang (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 386).
60. Tongar: aso na ginagamit sa pangangaso; tawag din sa aso na wala nang silbi (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1266).
61. Asir: matulis o malakarayom na bahagi ng katawan ng isang bubuyog o ng isang putakti (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 82).
62. Gatid: maliit na tinik o salubsob na tumimo sa balat, mahiraop makita, ngunit nasasalat (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 392).
63. Hanglay: lasa na alangang maasim at mapakla (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 433).
64. Hiluka: namumutla at nanlalalim ang mga mata dahil sa gutom (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 450).
65. Taghikaw: singsing o anilyong ikinakabit sa ilong ng alagang hayop, gaya ng kalabaw o baboy para madisiplina ito (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1202).
66. Talorang: ibabang bahagi ng hagdan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1216).
67. Uwar: ang natira sa bigas na kinain ng daga (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1312).
68. Yupyop: paggamit ng katawan bilang takip ng nais bigyan ng init o proteksiyon, gaya ng pagtakip ng inahin sa mga sisiw (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1346).
69. Sanghir: amoy ng kilikili (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1098).
70. Kagaskas: ingay na likha ng buhanging tinatapakan (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 541).
Reference
Almario, V. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino. 2nd ed. Diliman: UP Sentro ng Wikang Filipino.
FilipiKnow
FilipiKnow strives to ensure each article published on this website is as accurate and reliable as possible. We invite you, our reader, to take part in our mission to provide free, high-quality information for every Juan. If you think this article needs improvement, or if you have suggestions on how we can better achieve our goals, let us know by sending a message to admin at filipiknow dot net
Copyright Notice
All materials contained on this site are protected by the Republic of the Philippines copyright law and may not be reproduced, distributed, transmitted, displayed, published, or broadcast without the prior written permission of filipiknow.net or in the case of third party materials, the owner of that content. You may not alter or remove any trademark, copyright, or other notice from copies of the content. Be warned that we have already reported and helped terminate several websites and YouTube channels for blatantly stealing our content. If you wish to use filipiknow.net content for commercial purposes, such as for content syndication, etc., please contact us at legal(at)filipiknow(dot)net